FAQ

MGA MALIMIT NA KATANUNGAN (FAQ)

Ang FAQ o frequently asked questions ay ang mga pinagsama-sama kong mga tanong na malimit kong matanggap sa aking email, websites at social media. Para po sa mga aking mga taga-subay-bay, nandito po ang aking mga sagot sa FAQ page. Kung meron po kayong mga iba pang mga katanungan, wag pong mag atubiling mag padala ng inyong mensage sa aking Contact Page at gagawin ko po ang aking makakaya na sagutin ito sa loob ng 2 araw. Maraming Salamat po.


Trabaho (Job Hiring)

FAQ - Job Hiring Nate Helix

Pwede ka ba namin i hire na mag-trabaho sa abroad?

Depende po sa anong bansa, sa mga kasunduan at sweldo. Pwedeng pwede lalo na kung ito ay legal. Ang aking pangunahing kundisyon ay mga sumunod:

  • Pwede kong isama ang aking 3 aso (kahit gastos ko ang rabies, vaccinations, pet documents at plane tickets)
  • Kasama nyo pong iha-hire ang akin common partner na ang skill sets nya ay Graphic Designer at Digital Marketing Specialist. Eto ang kanyang portfolio website. www.dkcolty.com
  • Kung ito po ay nasa Europe o sa Canada na meroong free healthcare at may magandang retirement plan.

Meron ka po bang resume / CV?

Meron po, wag pong mag atubiling mag padala ng inyong mensahe sa Contact Us page.

Pwede ka ba sa project-based work (home-based) ?

Sa ngayon, hindi po ako tumatanggap ng kahit anong projects. Maraming salamat po.

Gusto ka namin i hire bilang isang consultant (home-based) ?

Gustuhin ko po man, hindi po ako tumatanggap ng kahit anong projects sa ngayon. Maraming salamat po.


Career (As a Web Designer)

Paano ka naging web designer?

Nag aral ako ng Internet Technology sa isang college institute at natuto ako ng mga programming languages at markups tulad ng HTML, CSS at Javascript. Gumawa din ako ng mga webpages kasama ng accessibility at usability features. Nagkaron ako ng trabaho konektado sa aking napagaralan ng mahigit 7 taon.

San mo natutunan ang graphic design?

Ang graphic design ang aking naging unang trabaho bukod sa pagiging web designer noong 2009. Kasama sa aking trabaho na mag design ng mga banners, advertisements, social media posts at iba. Habang nag ta-trabaho, sinabay kong mag “self-learning” kung kaya’t lalo akong nahasa pag gawa ng mga designs para sa websites.

Nagtuturo ka po ba?

Opo, nagtuturo ako ng web design. Meroon din po akong experience sa pagtuturo sa Top Peg Animation Studio. Natigil nitong nagkaroon ng pandemic simula nung 2020.