News & Events
How to Learn and Apply An Effective Online Marketing?
- January 30, 2019
- Posted by: natehelix
- Category: Digital Marketing

Kailangan matutunan muna natin kung paano natin maipakikilala ang ating produkto at serbisyo sa mga kilalang “medium of communication” sa internet. Ilan sa mga halimbawa ng mga ito ay:
- Social media
- Website
- Emails
Hindi lamang sa larangang ng marketing ang dapat matutunan kundi mga aspetong teknikal at maging internet savvy.
Lagi nating isipin at planuhin na hindi dapat tayo naka-tuon lamang sa bulsa ng ating mga suki at mga bagong mamimili kundi mag-taguyod tayo ng isang magandang relasyon at panatiliin ang magandang reputasyon pag-dating sa kalidad ng ating produkto at serbisyo. Dahil hindi matutumbasan ng magadang online marketing ang isang masaya at kuntentong mamimili. Mangyayari lamang ito kapag maganda ang ating mga produkto, serbisyo lalo na ang “after sales” at “customer service.”
Traditional o Online Marketing?
Sa mundo ng digital, hindi ito dapat ipalit sa totoong realidad. Ang online marketing ay kaakibat at kasama sa mga stratehiya. Hindi dapat iito palit sa tradisyonal at kalimutan ang nakasanayang traditional marketing. Mas makikilala ang inyong negosyo kung ito ay nirerekomenda ng mararaming tao dahil nagtitiwala sila sa inyong pangako o “branding”. Sa Pilipinas, mas papanigan at pakikinggan ng mga mamimili kapag pinag-sama mo ang online at traditional marketing. Kapag ang produkto mo ay inendorso ng mga kilalang personalidad, maraming magagandang reviews at lalo na’t nirerekomenda ito ng malapit nilang kapag anak at kaibigan, mataas ang posibilidad na ikaw ay pagbilhan. Madalas, hindi dahil sa abot-kayang presyo kundi sa kalidad nito. Value over Price
Samakatwid, parehong mahalaga at dapat parehong dapat gamitin ang online at traditional marketing.
Leave a Reply Cancel reply