Minecraft Earth, Paalam Na Ba? Totoo Ba Ito?

Totoo Bang Mag Papaalam na Si Minecract Earth Sa Atin?

Ayon sa FAQ, magpapaalam na ito at opisyal na nag anunsyo ang mismong Mojang sa kanilang website. Hindi na itutuloy ang mga bagong updates at parating na mga contents nito sa Minecraft Earth. Sa kabila ng maraming manlalaro mula sa iba’t ibang bansa, kailangan nilang mag desisyon na i-relocate nila ang kanilang resources; Ang mga larong ito ay tulad ng Minecraft Commercial Edition at Education Edition, kasama na dito ang Minecraft Dungeons na patuloy na nagda-dagdag ng mga updates. Isa rin sa mga dahilan ng pag tigil nito ay ang pandemia na nangyari nitong 2020.

Gayunpaman, nagbibigay sila ng huling updates upang maging masaya ang pamamaalam ng Minecraft Earth sa kanilang community, tulad ng mga sumusunod:

  1. Pag Alis ng tunay na pera sa loob ng laro
  2. Pagbaba ng Ruby costs
  3. Pagdaragdag ng mga na-kumpletong content, kasama nadin ang mga under-development
  4. Pag papabilis ng crafting at smelting
  5. Pagpapalit ng mga hindi nagamit na crafting at smelting cost sa radius boost
  6. Pagbibigay ng Character Creator Items sa mga nag sign in mula January 5, 2021 hanggang June 30, 2021

Anong Mangyayari na sa Minecraft Earth?

Pag dating ng June 30, 2021, ihihinto ang mga updates at service support sa laro. Ibig sabihin, wala ng mga game developers ang magpapatuloy nito at hindi nadin ito pwedeng i download o laruin ang Minecraft Earth. Hindi nadin ma-access ang servers nito. Sa July 1, 2021, hindi nadin makikita ang larong ito sa player data na walang kauganayan sa Character Creator at Minecoin entitlements. 

Anong Mangyayari Sa Mga Bumili o Gumastos na Players?

Ayon sa Mojang, wala itong “refund NGUNIT lahat ng mga players na bumili ng ruby ay ipapalit sa Minecoins na pwede nyong gamitin sa Minecraft Marketplace kapalit ng skins, texture packs, maps at kasama na dito ang minigames. Kasama na dito ang pagkuha ng copy ng Minecraft (the bedrock version) kung ikaw ay bumili ng ng Minecraft Earth upang magsimula mula at makakuha ng mga magagandang items mula sa marketplace. Ngunit kamusta na nga ba ang Minecraft Commercial Edition?

Nether Update – Minecraft 1.16

Sa kabila ng lahat, ayon sa Mojang, gusto nilang pasalamatan ng taos puso ang kanilang mga players, creators at lalo na mga bumubuo ng community. Dahilan na nagbigay daan sa mga bagong content, mobs at free-in-game items bago ito tuluyang mag paalam. Ang kanilang komento at suhestiyon ang nagbigay liwanag sa larong ito at nagpalaki ng mga taga suporta. Dahil din sa mga komunidad, nagbigay ng daan ito na ipakita ang kanilang mga “creative builds “ sa social media upang lalo pang makilala ng mga bagong manlalaro.

Alam natin na hindi ito naging madali sa Mojang ngunit ang mahalaga, kahit sa maikling panahon ay binigyan tayo ng isang magandang laro at nagpaalam ng may malaking pasasalamat na hindi natin makakalimutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *