News & Events
What is Online Marketing?
- January 30, 2021
- Posted by: natehelix
- Category: Digital Marketing

Ang online marketing ay kapareho ng traditional marketing na ating napagaralan at ginagamit ng maraming taon sa ating mga negosyo. Magkaiba lamang ito sa mga proseso at mga paraan upang ipakilala ang isang produkto o serbisyo sa mga taong gumagamit ng internet, higit sa lahat ay ang mga mamimili at nangangailangan ng isang bagay.
Ginagamit din ito upang ipakilala ang isang brand sa mga gumagamit ng mga social media at iba pang mga “medium of communication” sa internet, halimbawa nalang tulad ng websites, email, adwords, search engines at marami pang iba. Samakatwid, ang online marketing ay gumagamit ng modern at digital tools hindi traditional marketing.
Ang online marketing ay napakahalaga kung gusto mong kumita sa internet dahil sa paraang ito, maari mong maipakilala ng wasto ang iyong “brand” lalo na’t halos lahat ng mga tao ay gumagamit ng internet hindi lamang sa kanilang negosyo, pati nadin sa pag-aaral, pag-sisimba, pagbabayad at marami pang iba. Mas mapapatibay ng online marketing ang pagkakaron ng tinatawag na “Awareness” .
Halimbawa nalang, kung ang isang mamimili ay may gusto o kailangang bilhin na gamit para sa kanyang kusina, dapat kasama ang iyong “brand” sa kanyang iniisip o “options” upang kanyang pag-pilian. Nangyayari lamang ito kung maganda ang stretehiya ng iyong online marketing. Dahil maaring maganda ang iyong produkto at serbisyo, na may kasamang magagandang social media pages at websites NGUNIT hindi ka kilala, hindi ka mahanap at walang nag-rerekomenda sa iyo, mababa ang porsyento na ikaw ay bibilhan sa online stores ng mga mamimili.
Building awareness at pagpapakilala sa internet ay higit na importante at kritikal na dapat bigyan ng pansin. Dahil hindi sapat ang paglalagay lang ng mga photos at videos sa mga social media upang maka benta. Maraming mga teknik ang dapat bigyang halaga upang maging epektibo ang iyong online marketing, tulad halimbawa ng mga “strong infrastructure” at mga plano sa mga sumusunod:
- Social Media Ads
- Search Engine optimization
- Link building
- Adwords
- Page Optimization
- Online recommendations / reviews
- Traditional Marketing
- Word-of-Mouth
Leave a Reply Cancel reply