Why Is It Important to have Good and Real Reviews?
- March 6, 2021
- Posted by: natehelix
- Category: Digital Marketing

Maliit man o malaki ang isang negosyo, laging tinitignan at binabasa ng mga mamimili kung maganda ba ang reviews. Lalo na sa Pilipinas, maraming mga scammers at mga manlolokong online sellers kapag hindi nagiingat. Marami ding mga online sellers na magagandang tignan ang mga produkto sa larawan, pero kapag dumating sa inyong mga tahanan, magkaiba ng itsura, tulad ng kulay, laki, o kung minsan ibang item ang nasa delivery.
Ang pagkakaron ng mga magagandang reviews mula sa mga “tunay” na bumili ay malakas na malakas makahikayat ng mga bagong buyers. Madalas, gumagawa ng listahan ang mga ito at kinukumpara ang mga online sellers kung alin dito ang mas mura at lalo na “safe” at “honest” makipag-transaction. Dahil sakit sa ulo ito sa mga mamimili kapag kailangan ito ibalik sa sellers. Tandaan, karamihan sa mga buyers ay handang bumili at nagpa plano kung kailan nila ito gagawin, naghahanap nalang sila ng pwedeng pagkaka-tiwalaang sellers.
Hindi Perpekto Ang Mga Sellers, Papaano kung may Bad Reviews?
Alam ng lahat na walang perpekto at minsan may suma sablay sa mga online transactions kahit ito tapat at mapagkakatiwalaang sellers. Ang isang magandang paraan kung magkakaron tayo ng “negative reviews”, ay maghanda ng “professional response” at siguraduhing ilalagay sa publiko kung ano ang solusyong isinagawa. Halimbawa:
Customer: Nagbigay ng 1 of 5 (Wala kayong kwenta, basag basag yung mug na pinadala nyo, hindi pa maganda ang pagka-print. Very disappointed, wag na wag na kayong bibili dito.
Printing Company: Hello Sir/Mam, pasensya na po sa nangyari, maari pong nagkaron ng abersya sa pag-dedeliver. Asahan po ninyo na papadala po namin ulit ang inyong mug ng walang bayad.
Customer: HINDI NA! Bukas na birthday ng anak ko at hindi na aabot mugs nyo.
Printing Company: Salamat po sa pag reply, kung bukas na po ang birthday ng anak nyo. Hayaan nyo po kaming magdala nito sa inyo mismo sa inyong bahay para po umabot. Ito po ay isasagawa na namin ang proseso mamayang hapon at wala po itong bayad.
Customer: Salamat, at dumating yung mug.
Printing Company: Maraming salamat po sa pang-unawa.
Maging proactive sa pag reply sa mga negative comments/reviews at ipakita na meron kayong malasakit sa inyong buyers. Kahit may negative ratings tayo, maari itong bigyan ng magandang solusyon at isa-publiko ang inyong solusyon dahil ito ay binabasa ng mga bagong mamimili. Kadalasan, nagme-message ang mga ito sa mga nagbigay ng negative comments upang tanungin kung mapagkakatiwalaan ba ang inyong online store.
Ang pagpapakita ng malasakit at handang makinig sa anu mang reklamo ay nag bibigay daan sa isang magandang solusyon sa bawat isa. Maging handa sa mga customer support at mga maaring reklamo dahil walang perpektong negosyo at walang taong umaasa sa ganung pamamalakad, pero umaasa ang mga pilipino na pakikinggan sila at bibigyan ng solusyon ang kanilang hinaing dahil pinaghirapan nila ang perang ipinalit sa ating produkto o serbisyo.
Kapag may malasakit, hindi na kailangan pang manghingi ng mga positibong reviews, madalas mga “satisfied buyers” na ang nag bibigay nito.
Leave a Reply Cancel reply